Tuesday, July 26, 2011

Dalawang Mukha ng Pag-ibig (Two faces of love)

Dalawa ang mukha ng pag-ibig
Ito'y dalawa lang
pag sinagot masaya
pag binigo ay luluha

Dalawa ang mukha ng pag-ibig
Ito'y dalawa lang
pag sinagot ay napakatamis
pag binigo ay nakakainis

Dalawa ang mukha ng pag-ibig
Ito'y dalawa lang
pag sinagot may pahatid-hatid at pasundo-sundo
pag binigo'y naghahanap-gulo

Dalawa ang mukha ng pag-ibig
Ito'y dalawa lang
pag sinagot ay tumatawa ng lihim
pag binigo ay mahapding sugat and titiisin

Dalawa ang mukha ng pag-ibig
Ito'y dalawa lang
pag nagkatuluya's lulundag sa kasiyahan
pag hindi ay sisigaw ng kamatayan

Pero ang tunay na mukha ng pag-ibig
ay tunay na dalawa lang..
ang pagtanggap ng oagkatalo kung sakaling bigo
at humarap sa muling pag-asa't pagbabago

Kung nagkatuluyan nama'y tuparin ang lahat na pangako
nang buong tapat at nang buong puso.

Balatkayo (Pretend)


May mga taong pag nakaharap
Tumatawa at nagsasaya
Pag nakatalikod
Umiiyak at lumuluha

May mga taong pag nakaharap
ay nagpapanggap na marangal at mayaman
Sa likod pala nito'y
daig pa ang daga sa kahirapan

May mga taong pag nakaharap
nagtatago, naglilihim
ngunit pag nakatalikod
may nais palang ipahayag at sabihin

May mga taong pag nakaharap
mabait at nagmamalinis
ngunit pagkatalikod
masama at masungit


May mga taong pag nakaharap
nais na itago ang kasamaan at kasalanan
sa likod pala nito'y
nais na matulungan at maagapayan

Ah! Bakit ganyan ang TAO?
Mahilig sa BALATKAYO

Tinik sa Rehas

Pagsikat ng araw di mapigilan
Tinik at rehas, ito ba'y may ugnayan?
Parang tubig at langis sa mundo
Kailanman ay di kayang ipaghalo

Ngunit ang tinik kapantay ay rehas
Dahil itong tinik ay mayroon rosas
Rosas sa rehas ng isang bilanggo
Sapagkat ang tao'y sadyang may puso

Puso na naging dulot ay pag-ibig
Ng dahil sa rehas ay may iniibig
Walang makakahadlang kahit nasa rehas
Talagang ipagpupunyaging maabot ang rosas

Rosas na ang tinik ay rehas
Rehas na ang bulaklak ay rosas
Sana ay ipagpala ng ating Diyos
Na ang rehas , maging bunga ay rosas.